^

Police Metro

Utol binoga ng kuya dahil sa mana

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa awayan sa mana ay kritikal ang kalagayan ng isang 44-anyos na mister ma­tapos pagbabarilin ng kanyang nakatatandang kapatid sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. 1, Buenavista, Agusan del Norte.

Ang biktima na  patuloy na isinasalba sa Nasipit District Hospital ay kinilalang si Alejandro Ebarsabal.

Tumakas naman ang suspek na kuya nito na si Gregorio, 52.

Batay sa ulat, bandang ala-1:00 ng hapon sa tahanan ng biktima sa Purok 5, Brgy. 1, Buenavista ng lalawigang ay  kinompronta ng suspek ang una dahil sa mas malaking ba­hagi ng kanilang lupain ang ipinamana rito ng kaniyang mga magulang na labis na iki­nagalit nito.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkapatid hang­gang sa kumuha ng baril ang suspek at binaril ang kapatid.

Sinaklolohan ng kaniyang mga kasambahay ang biktima at  isinugod sa pagamutan.

 

AGUSAN

ALEJANDRO EBARSABAL

BATAY

BRGY

BUENAVISTA

DAHIL

GREGORIO

NAGKAROON

NASIPIT DISTRICT HOSPITAL

NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with