^

Police Metro

Sunog sa QC: 3 bata patay

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong bata ang nasawi matapos na matupok sa na­su­sunog nilang bahay kamakalawa ng gabi sa Vincent St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ang mga nasawi ay ang magkapatid na sina Danzil, 4-anyos at Da­niela Mercado, 7-anyos at kapitbahay nilang si CJ Tubo, 9-anyos ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, pasado alas-11:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa bahay ni Danilo Mercado, matapos niyang iwan ang kandila habang natutulog ang dalawa niyang anak para bumili sa tinda­han at mag-duty bilang barangay tanod habang ang misis niya na buntis ay naka-confine sa ospital.

Pagbalik ni Mercado ay laking gulat niya na natutupok na ang kanyang bahay at hindi na niya magawang mailigtas ang dalawang anak dahil sa laki na ng apoy na ku­malat sa mga katabing kabahayan.

Karamihan sa mga bahay ay gawa sa light ma­terials kung kaya’t ma­daling kumalat ang apoy.

Nabatid na nawawala ang batang si CJ sa ka­sag­sagan ng sunog at patay na ito nang matagpuan kinaumagahan.

Ayon sa mga  kaanak ng biktima, nakalabas na umano ng bahay si CJ, pero bumalik pa ito sa kanilang bahay nang hindi  makita sa labas ang kanyang ama.

Umaabot sa 50 kaba­hayan ang nilamon ng apoy at hindi bababa sa P1 milyon halaga ng mga ari arian ang naabo.

vuukle comment

AYON

BAHAY

BATAY

BRGY

DANILO MERCADO

HOLY SPIRIT

MERCADO

QUEZON CITY

SHY

VINCENT ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with