^

Police Metro

Mag-asawang trader todas sa ambush

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang mag-asawang Chinese trader ang nasawi matapos na sila ay pagbabarilin ng mga holdaper na nakamotorsiklo at tinangay ang dala nilang pampasuweldo sa kanilang mga kawani kahapon ng umaga sa Malabon City.

Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa Manila Central University Hospital ang mag-asawang sina Nin Ting Wong, 70, at misis nitong si Quimsy, 60.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-6:30 ng umaga ay bumaba si Nin Ting sa kanilang sasakyan na Rav 4 sa tapat ng kanilang pabrika at habang naglalakad papuntang service gate ng pabarika ay pinutukan ito ng isa sa mga suspek na naka-helmet.

Nang makita ng asawang si Quimsy ay tinangka nitong iligtas ang sarili, subalit hi­na­bol ito ng suspek at pinagbabaril.

Matapos ang insidente ay dinampot ng gunman ang dalang bag ni Quimsy na naglalaman ng hindi pa batid na halaga ng pera at mga gamit bago sumakay sa kasamang may dalang motorsiklo na hindi na naplakahan.

Ang mag-asawa ay may-ari ng White Horse Plastic Factory na makikita sa kahabaan ng Dizon St., Brgy. Tenejeros at nagtutungo sa pabrika para magbigay ng suweldo sa kani­lang mga empleyado.

Nakatuon ang imbesti­gasyon ng pulisya sa pangho­holdap ang motibo ng krimen dahil sa may dala ang mag-asa­wa ng pampasuweldo na nasa P60,000 hanggang P70,000 sa kanilang mga kawani.

Malaki ang hinala ng pu­lisya na planado ang pag-am­bush dahil sa laging dinadala ng mag-asawa tuwing Sabado ang kanilang pampasuweldo.

Isang closed-circuit tele­vi­sion (CCTV) camera ang na­kalagay sa lugar, subalit hindi ito gumagana.

 

vuukle comment

BRGY

DIZON ST.

ISANG

MALABON CITY

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

NIN TING

NIN TING WONG

QUIMSY

SHY

WHITE HORSE PLASTIC FACTORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with