^

Police Metro

Bank encoder pinatay ng bakla

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natagpuang patay kahapon ng umaga ang isang kawani ng bangko sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang panyo ng kainuman nitong bakla sa Valenzuela City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Cris Dumo, 22, ng El Grande Homes, Ba­rangay Gen. T. De Leon ng lungsod, computer encoder ng Bank of the Philippine Island (BPI) sa Makati City.

Pinaghahanap naman ang baklang huling  kasama ng biktima sa pag-iinuman.

Bago natagpuang patay ang biktima dakong alas-7:00 umaga sa gilid ng Our Lady of Lourdes College sa Quintin Demitillo St., Barangay  Gen. T. De Leon ng nabanggit na lungsod ay bumili ito ng alak sa tindahan at kapitbahay na si Nonilo Magalong, Jr., 37, pasado alas-11:00 ng gabi.

Ilang minuto ang nakakalipas ay sinabihan ni Magalong ang biktima na magsasara na at kung gusto pang uminom ay sa loob na lang ng bahay niya ituloy na sinang-ayunan ng huli.

Ilang saglit lang uminom sa loob ng bahay ni Magalong ay nagpaalam  na ang biktima at sinabing may susunduin lang na kaibigan.

Bumalik ang biktima kasama ang kaibigang bakla at muling uminom at ilang minuto ay umalis na ang dalawa sa bahay ni Ma­galong dahil sa tulog na ito.

Kinaumagahan ay nagulat na lamang si Magalong sa balita na natagpuang patay ang biktima at naiwan pa sa leeg ang isang scarf na posibleng ginamit ng suspek sa pagsakal at pagpatay dito.

BANK OF THE PHILIPPINE ISLAND

CRIS DUMO

DE LEON

EL GRANDE HOMES

ILANG

MAGALONG

MAKATI CITY

NONILO MAGALONG

OUR LADY OF LOURDES COLLEGE

QUINTIN DEMITILLO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad