^

Police Metro

Manager ng Aman hawak ng NBI

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nagpakila­lang financial manager ng Aman Futures Group na si Donna Coyme.

Ayon kay Justice Sec­retary Leila de Lima na handa si Coyme na ilantad ang modus operandi  sa  kontrobersiyal na pyramid scam na nakapanloko ng P12-B mula sa mga investor sa Visayas at Mindanao.

Pinag-aaralan na rin  ang affidavit ni Coyme upang matukoy kung ma­aari itong isailalim sa Witness Protection Program ng pamahalaan para magamit na testigo laban sa mastermind sa pyramiding scam.

Sinabi ni Coyme na nagkakahalaga umano ng P500-M ang  puhunan ng mga investor na dumaan sa kanyang kamay.

Inamin ng nasabing financial manager na dati siyang tutor ng mga anak ng isa sa mga opisyal ng Aman Future na si Fernando Luna at siya din ang naglalabas ng tseke mula sa Aman Futures at nag-aayos ng records ng mga mamumuhunan. 

Samantala, pinahaharang na rin ni De Lima ang mga kayamanan ng dalawang lider ng Aman Futures Philippines Inc. at Coco Rasuman Group na sina Manuel Amalilio at Coco Rasuman upang hindi magalaw na kung saan ngayong Linggo ay maisasampa na sa husgado ang mga kaso.

AMAN FUTURE

AMAN FUTURES

AMAN FUTURES GROUP

AMAN FUTURES PHILIPPINES INC

COCO RASUMAN

COCO RASUMAN GROUP

COYME

DE LIMA

DONNA COYME

FERNANDO LUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with