^

Police Metro

Kano tiklo sa P50-M drug bust

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang American natio­nal na umano’y bigtime drug supplier ang nadakip ng mga operatiba ng PNP- Anti Illegal Drug Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) at nakumpiska ang may P50-M halaga ng shabu sa isang raid sa isang condominium unit sa Makati City kahapon ng tanghali.

Kinilala ang suspek na si Brian Hill, 32, may apat na taon ng naninirahan sa Pilipinas.

Batay sa ulat, bandang alas-11:00 ng umaga nang salakayin ng mga otori­dad ang Column Tower sa kanto ng Ayala at Gil Puyat sa lungsod.

Nasamsam mula sa 10 floor ng Column Tower na inookupa ni Hill ang isang kilo ng shabu at karagdagan pang 9 kilo sa isang Pajero nito na red plate (SEP-825) na nakarehistro sa NAPOCOR o kabuuang sampung kilo na nagkakahalaga ng P50 milyon.

Nabatid na ang nasabing suspek ay kararating lamang nitong Lunes ng gabi galing Hong Kong at inaalam pa kung mi­yembro ito ng Hong Kong triad drug syndicate.

Ang pagsalakay ay isi­nagawa matapos na may mag-tip hinggil sa dalang droga ng suspek at sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Fernando Sagun ng Quezon City Regional Trial Court Branch 78.

Ayon sa otoridad na ang suspek ay siyang supplier ng illegal na droga kabilang ang ilang mga kilalang personalidad sa Makati City.

vuukle comment

AYALA

BRIAN HILL

COLUMN TOWER

DRUG SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

GIL PUYAT

HONG KONG

ISANG AMERICAN

JUDGE FERNANDO SAGUN

MAKATI CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with