^

Police Metro

Mga bahay sinuwag… Mag-ama, 1 pa todas sa trak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang trak na nawalan ng preno ang sumuwag sa mga kabahayan na nakatirik malapit sa highway na ikinasawi ng isang mag-ama at isang pasahero habang sampu ang nasugatan naganap kamakalawa ng gabi sa highway ng Upper Puerto, Cagayan de Oro City.

Kinilala ang mga nasa­wing sina Mario Bahe, anak na si John Lord at pasaherong si Mario Aluya na naipit sa loob ng ka­baha­yang gawa sa mahihinang uri ng materyales matapos salpukin ng isang cargo truck.

Isinugod naman sa pa­gamutan ang mga na­su­gatang sina Jayson Se­roy; Adonis Anoos; Anto­nio Rosario; Marvin Canedo; Elena Jane Canedo at ang dalawang buntis na si Ge­raldine Canedo at Merlyn Canedo na kapwa nasa kritikal na kondisyon at iba pa na hindi natukoy ang mga pangalan.

Batay sa ulat ng Caga­yan de Oro City Police, bandang alas-6:00 ng gabi nang maganap ang trahedya sa tabi ng Maharlika Highway sa nasabing lugar.

Nabatid na may kargang mga bato ang cargo truck (YCM 801) na mi­namaneho ni Ponciano Manipis nang mawalan ito ng preno at tuluy-tuloy na sinu­yod ang magkakatabing kabaha­yan.

Inamin ni Manipis na nawalan umano ng preno ang truck na nagbunsod sa malagim na trahedya.

Kinasuhan si Manipis ng reckless imprudence resulting to 3 counts of homicide, multiple to serious physical injuries at damage to property.

ADONIS ANOOS

ELENA JANE CANEDO

JAYSON SE

JOHN LORD

MAHARLIKA HIGHWAY

MANIPIS

MARIO ALUYA

MARIO BAHE

MARVIN CANEDO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with