^

Police Metro

MPF: ‘Cashpoint’ at hindi checkpoint ang ginagawa ng PNP sa motorcycle riders

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag ni Atoy Sta. Cruz, Director for Administration ng Motorcycle Philippine Federation sa  ginanap na Balitaan sa Tinapayan na “cashpoint” at hindi checkpoint ang ginagawa ng Philippine National Police (PNP) sa mga nagmomotorsiklo.

Hindi tinututulan ng MPF ang ipinapatupad na checkpoint ng kapulisan, subalit hindi sila kumbinsido sa proseso ng pag-iinspeksiyon.

Aniya, tila hindi naman ang “violations” ang hinahanap ng mga otoridad  kung nag-iins­peksiyon sila sa mga nag­momotorsiklo kung may dalang itong “pera”.

“Di ba kung iniinspek­siyon nila ang mga nagmomotorsiklo ay inaalam kung may dala itong patalim o baril, pero hindi ganun ang nangyayari kundi tila “pera” ang hinahanap.” wika ni Sta.Cruz.

Ipinaliwanag pa ni Sta. Cruz na kung wala umanong nakitang violations ang mga otoridad ay hinahanapan ang mga ito ng  violations katulad ng diperensiya sa ilaw, makina o kahit ano pang violations na dapat ay trabaho na umano ito ng Land Transportation Office (LTO).

 

ANIYA

ATOY STA

BALITAAN

CRUZ

INIHAYAG

IPINALIWANAG

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MOTORCYCLE PHILIPPINE FEDERATION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with