Pagbitay sa Pinoy sa Saudi iniliban ng 4 buwan
MANILA, Philippines - Hindi nabitay sa pamamagitan ng pagpugot sa ulo kahapon sa Saudi Arabia ang overseas Filipino worker (OFW) na si Joselito Zapanta matapos makakuha ng apat na buwang pagpapaliban.
Ayon kay Vice President at Presidential Adviser on OFW Concerns Jejomar Binay, lumuwag ang ibinigay na kondisyones ng pamilya ng Sudanese national na napatay ni Zapanta na bukod sa apat na buwang palugit para makalikom ng blood money ay binabaan din ang hinihinging kabayaran na mula sa 5 milyong Saudi Riyal (P55 milyon) blood money ay ibinaba ito sa SR 4 million o P44 milyon kapalit ng buhay at kalayaan ni Zapanta.
Pinapurihan ni Binay ang Department of Foreign Affairs (DFA), Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa pangunguna ni Ambassador Ezzedin Tago pagsusumikap na makipag-usap sa mga Sudanese at Saudi officials hanggang sa huling sandali upang masagip si Zapanta.
Si Zapanta, 32-anyos, tubong Bacolor, Pampanga ay hinatulan ng bitay ng Saudi Court of First Instance matapos na mapatunayang guilty sa kasong murder with robbery sa Sudanese landlord na si Saleh Imam Ibrahim noong 2009.
- Latest
- Trending