^

Police Metro

Bus nakanal: 28 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Aksidenteng nahulog sa malalim na kanal ang isang pampasaherong bus na ikinasugat ng 28 pasahero naganap sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) tollway sa Brgy. Lapu-Lapo II, San Jose, Batangas kamakalawa.

Ang mga biktima ay dinala sa Mary Mediatrix Medical Center sa Lipa City upang malapatan ng lunas.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), naganap ang sakuna sa bisinidad ng KM 90+600 sa bahagi ng STAR tollway  sa nasabing lugar dakong alas-10:30 ng umaga.

Kasalukuyang minamaneho ng driver na si Narciso Vallespin, 42, ng Muntinlupa City ang Dimple Bus (TYU 464) nang bigla na lamang mawalan ng preno ang behikulo.

Upang maiwasang makabangga ng iba pang behikulo ay kumanan ang driver hanggang sa mahulog sa isang malalim at konkretong kanal na ikinasugat ng mga pasahero nito.

 

AKSIDENTENG

BATANGAS

DIMPLE BUS

LIPA CITY

MARY MEDIATRIX MEDICAL CENTER

MUNTINLUPA CITY

NARCISO VALLESPIN

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

SAN JOSE

SOUTHERN TAGALOG ARTERIAL ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with