^

Police Metro

Killer cop idiniin ng 9 na testigo

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Positibong itinuro ng 9 testigo na lumantad ka­hapon para idiin ang sumukong si PO3 Ronald Fontejon, nakatalaga sa Police Security Protection Group (PSPG) sa Camp Crame na siyang pumaslang sa pamama­gi­tan ng pagbigti sa ki­nakasama niyang si Aylie Barroca, 30, ng Tanza, Cavite sa harap ng dalawa nilang anak sa loob ng isang motel noong nakalipas na Linggo sa Sampaloc, Maynila.

Pormal nang na-inquest, kamakalawa ng gabi sa Manila Prosecutors Office sa kasong murder ang suspek at wala inirekomendang piyansa ang piskalya para sa pansa­mantalang kalayaan nito.

Ayon kay MPD Homicide Section chief, Sr. Insp. Joey de Ocampo, lumantad ang siyam na testigo para patunayan na ang suspek ang huling nakitang  kasama ng biktima bago ito iniwang patay sa loob ng motel.

Karamihan ng tumestigo ay ang mga empleyado ng motel, land lady ng biktima na kanyang pinagpaalaman na makikipagkita sa suspek.

Sinabi pa ni De Ocam­po na ang dahilan ng pagpatay ng suspek sa kanyang ka-live-in ay dahil sa ayaw na ng huli na maki­pagbalikan sa suspek na nawawala kapag lumalaki na ang tiyan ng biktima at kapag nakapanganak na  ay muling babalikan at bubuntisin uli.

Bago nangyari ang insidente niyaya umano ng suspek ang biktima na magsimba dahil paalis na para magtrabaho sa Qatar at ipinasama pa nito ang kanilang dalawang anak, pero sa halip na sa simba­han ay sa motel itinuloy ang mag-iina at doon isinagawa ang pagpatay.

 

AYLIE BARROCA

AYON

CAMP CRAME

DE OCAM

HOMICIDE SECTION

MANILA PROSECUTORS OFFICE

POLICE SECURITY PROTECTION GROUP

RONALD FONTEJON

SHY

SR. INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with