Smugglers ng ‘floating glass’ kinasuhan sa DOJ
MANILA, Philippines - Sinampahan ng Bureau of Customs (BoC) ng kasong smuggling sa Dept. of Justice ang isang trader at isang broker sa Cebu dahil sa umano’y sa pag-smuggled ng “floating glass” na ginagamit sa building construction at nagkakahalaga ng P30 milyon.
Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon ang mga suspek na sina Sanshane Barita, may-ari ng CBS Import-Export at broker nito na si Diorito Alberca, pawang mga taga-Mandaue, Cebu na sinampahan ng kasong paglabag sa Section 3602 and 2530, Tariffs and Customs Code of the Philippines.
Base sa rekord ng BoC, tinangka umanong ipuslit ng mga suspek ang 25 na twenty-footer container van na naglalaman ng “float glass” na nagmula pa sa China na idineklarang victory clear glass nang ito ay dumating at masabat sa Port of Davao noong nakalipas na Setyembre 14.
- Latest