Pangakong pag-atras ng Batangas Mayor hindi tinupad
MANILA. Philippines - Nagbigay kamakailan ng panayam si incumbent San Pascual, Batangas Mayor Antonio “Tony” Dimayuga sa isang television na hindi na siya tatakbo sa pagka-alkalde matapos sabay silang maghain ng kanyang asawa na si Brenda ng kanilang certificate of candidacy para sa iisang posisyon na alkalde.
Subalit hindi naman niya ito tinupad kung kaya’t tinuligsa ito ni Kilusan ng Kabataan para sa Kinabukasan Secretary General Tesa Cuevas na hindi ito mapagkakatiwalaan dahil ito umano marunong ‘di tumupad sa mga binitawang salita.
“Kung magbibitaw ng isang salita sa kampanya niya maniniwala pa ba tayo? Hindi na. Mga pangako ni Mayor Dimayuga, paano natin papaniwalaan kung ang simpleng pangako na hindi pagtakbo ay hindi matupad?” wika ni Cuevas.
Sa panayam ilang araw matapos maghain ng kanyang COC at ang kanyang asawa, sinabi ni Dimayuga na hindi na siya tatakbo.
“Sa Lunes o sa darating na araw iwiwidraw ko na. Kasi mahirap na, I am withdrawing from re-election,” pahayag ni Dimayuga sa panayam ng ABS-CBN.
Kasabay nito, pinuri ni Cuevas ang isinampang disqualification case laban sa mag-asawang Dimayuga na hangad ang ikaapat na sunod na termino, at misis na Ma. Brenda Kenrick, alyas Ma. Brenda Dimayuga, na tumatakbo na hindi gamit ang tunay na pangalan.
Nahaharap sa disqualification case si Dimayuga, matapos mapag-alamang ito na ang ika-apat nitong sunod na termino sakaling muling tumakbo at manalo.
- Latest