^

Police Metro

Sementeryo sa MM dinagsa ng milyong katao

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kaugnay sa paggunita ng Undas ay tinatayang uma­bot sa milyong katao ang  dumagsa sa iba’t ibang sementeryo sa Metro Manila.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr, bandang alas-10:00 ng umaga nang magsimulang bumuhos ang mga tao para dumalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Sa lugar ng Manila Po­lice District ay naitala sa 800,000 ang bumisita sa North Cemetery; South Ce­metery 35,000; La Loma Cemetery 7,000 at Chinese Cemetery 2,500, Sa Southern Police District tulad sa Manila Memorial Park ay 70,000; Loyola Memorial Park 16,000; Libingan ng mga Bayani 34,200; Manila South Cemetery 30,000; Heritage Cemetery 700 at Garden of Memories 3,000.

Naitala naman ng Quezon City Police District  ang 10,000 katao sa Baesa Ce­metery; Himlayang Pilipino 17,000; Holy Cross 4,000 at Novaliches Cemetery 2,500.

Sa monitoring naman ng Eastern Police District sa Loyola Memorial ay nasa 7,000; Pasig Cemetery 4, 300 at Mandaluyong Ceme­tery 3,500.

Inihayag ng opisyal na sa Northern Police District ay aabot naman sa 20,000 ang dumagsa sa Eternal Gardens at Sangandaan Cemetery 5,000. Kaugnay nito, nakasam­sam naman ang mga awto­ridad ng 93 patalim at iba pang matutulis na bagay, 71 flammable materials, limang stereos at ilang baraha. – Joy Cantos, Doris Franche-Borja

BAESA CE

CEMETERY

CHINESE CEMETERY

DORIS FRANCHE-BORJA

EASTERN POLICE DISTRICT

ETERNAL GARDENS

GARDEN OF MEMORIES

GENEROSO CERBO JR

HERITAGE CEMETERY

HIMLAYANG PILIPINO

HOLY CROSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with