^

Police Metro

Navy man huli sa droga

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Arestado ang isang enlisted serviceman ng Philippine Navy at live-in partner nito sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang salakayin ang isang “drug den” na inooperate ng suspek sa Taguig City kamakailan.

Ang mga suspek ay nakilalang si Romy de Torres, Phi­lippine Navy enlisted serviceman, at kinakasama nitong si Evelyn Labjata, alyas Belen, kapwa residente  ng  #180 Block 6, Zone 3, Brgy. Fort Bonifacio sa lungsod.

Inaresto rin ng mga awtoridad sina Benhie Delos Reyes, 43; Eduardo Matias Labjata, 46; at Randy Quiambao Rili, 26.

Nabatid na sinalakay ng mga tauhan ng PDEA Special Enforcement Service at Naval Intelligence and Security Force sa koordinasyon sa Taguig City Police nitong Oktubre 29 ang bahay ni de Torres na ginagamit nito bilang drug den.

Narekober sa loob ng bahay ang 25 pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, 35 aluminum foil at iba pang paraphernalia. Inabutan sa loob ng bahay ng mga otoridad sina Delos Reyes, Labjata at Rili.

BENHIE DELOS REYES

DELOS REYES

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EDUARDO MATIAS LABJATA

EVELYN LABJATA

FORT BONIFACIO

NAVAL INTELLIGENCE AND SECURITY FORCE

PHILIPPINE NAVY

RANDY QUIAMBAO RILI

SPECIAL ENFORCEMENT SERVICE

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with