^

Police Metro

EX-Rizal gov. walang kalaban

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natitiyak na ang pagbabalik sa political arena ni dating Rizal Governor Casimiro Yñares Jr. dahil  itinutu­ring na wala siyang kalaban matapos iendorso ng mga partido pulitikal sa lalawigan bilang common candidate sa pagka-gobernador.

Bukod sa pagbabalik  ni Yñares Jr., inaasahang magiging mainit ang labanan  bilang alkalde sa 13 bayan ng Rizal at sa Antipolo City na tiyak na mamatyagang mabuti ng mga botante.

Naniniwala sina dating  DILG secretary  Ronaldo Puno at dating Rizal Gov. Reynaldo San Juan  na hindi kayang talunin si Yñares Jr. kahit na mapeperang karibal lalo’t kinikilala ito bilang arkitekto ng kaunla­ran ng Rizal.

Si Yñares Jr. at ang kanyang 2013 slate ay kinuhang common candidates ng mga major political party sa  Rizal gaya ng Liberal Party,  Nacionalista Party, PDP-Laban, Laban ng Demokratikong Pilipino at  Partido ng Masang Pilipino.

Ilan sa mga itinuturing na walang kalaban ay sina congressional candidates Reps. Joel Roy Duavit (1st district) at Isidro Rodriguez Jr. (2nd district) na kaalyado ni Yñares Jr.

 

ANTIPOLO CITY

DEMOKRATIKONG PILIPINO

ISIDRO RODRIGUEZ JR.

JOEL ROY DUAVIT

LABAN

LIBERAL PARTY

MASANG PILIPINO

NACIONALISTA PARTY

REYNALDO SAN JUAN

RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with