^

Police Metro

5 holdaper tigok sa parak

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tigok ang limang hinihinalang holdaper na nanloob sa isang shop makaraang lumaban sa mga tauhan ng pulisya sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Walang anumang nakuhang identification card ang mga awtoridad sa mga suspek kaya nahirapan silang tukuyin ang pagkatao ng mga ito na kinabibilangan ng apat na lalaki at isang babae.

Ayon kay Inspector Elmer Monsalve, hepe ng ho­­micide investigation section ng Quezon City Police District (QCPD), ang mga suspek ay nasa pagitan ng edad na 25-30-anyos, ang isa ay may tattoo na “Sputnik” sa kanang kamay. Habang ang nasawing babae ay nasa pagitan ng edad na 20-25 anyos, kulot, at nakasuot ng itim na t-shirt at stripped na kulay brown short pants.

Napatay ang lima nang sila ay lumaban sa pinagsanib na puwersa ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at ng District Intelligence Division (DID) matapos na holdapin ang D’ Best Option Wholesaler and Retailer na matatagpuan sa Fairlane St., Barangay East Fairview ganap na alas-8:30 ng gabi.

Sinabi ni Monsalve, nag­sasagawa ng surveillan­ce operations sa lugar ang mga awtoridad dahil sa kadalasang holdapang nagaganap sa lugar kung saan ang sina­sabing panghoholdap sa D’Best Option ay pangatlong beses ng nangyayari ngayong taon. Narekober ng awtoridad sa lima ang tatlong kalibre  .38 revolvers at dalawang granada.

Nabawi din ng pulisya sa mga suspek ang P19,700 cash, dalawang NEC laptops, at isang Samsung mo­bile phone.

vuukle comment

BARANGAY EAST FAIRVIEW

BEST OPTION

BEST OPTION WHOLESALER AND RETAILER

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DISTRICT INTELLIGENCE DIVISION

FAIRLANE ST.

INSPECTOR ELMER MONSALVE

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with