^

Police Metro

Pekeng pari laganap ngayong Undas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanawagan ang isang Obispo sa publiko na mag-ingat sa mga pekeng pari na maaaring magsamantala  ngayong panahon ng Undas upang magkapera.

Sinabi ni Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, maraming nagpapanggap na pari sa ganitong okasyon at nag-aalok ng basbas ng mga puntod para lamang makakuha ng ‘donasyon’ mula sa mga tao.

Pinaalalahanan ng Obispo ang mga mamamayan na hanapan ng ID o tinatawag na “celebret” ang isang nagpapakilalang pari para matiyak kung tunay itong alagad ng simbahan o isang huwad lamang.

Ipinaliwanag ni Medroso na ang celebret ay nagsisilbing ID ng pari na inisyu sa Dioceses o Archdioceses na kaniyang kinabibilangan at pirmado ng kaniyang Obispo o Arsobispo.

vuukle comment

ARSOBISPO

IPINALIWANAG

MEDROSO

NANAWAGAN

PARI

PINAALALAHANAN

SINABI

TAGBILARAN BISHOP LEONARDO MEDROSO

UNDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with