^

PM Sports

Maldini aabangan sa Cojuangco Cup

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang makipagtagisan ng bilis ang 11 dekalidad na pangkarerang kabayo sa 2026 Philracom Amb. Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup Stakes Race na ilalarga sa pista ng Philippine Jockey Club sa Linggo sa Padre Garcia, Batangas.

Nasa listahan ang Maldini na gagabayan ni dating Philippine Sportswriters Association (PSA)Jockey of the Year awardee John Alvin Guce.

May distansyang 2,000 meter race, ang iba pang kasali ay ang Baobab, Longevity, Lucency, Miss Ocala, Murabeh, Mutya Ng Pasay, Readytoriskitall, Resonant, Speed Runner at Usir.

Posibleng magpakitang-gilas ang Lucency na sasakyan ni Patty Ramos Dilema sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Nakalaan ang P3 milyong guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, hahamigin ng mananalong kabayo ang tumataginting na P1.8 milyong premyo, habang P600,000 ang mapupunta sa sesegunda.

Magbubulsa ang pangatlong kabayong tatawid sa finish line ng P300,000, mapupunta naman sa fourth hanggang sixth placers ang P150,000, P90,000 at P60,000, ayon sa pagkakasunod.

Susungkitin ng breeder ng mananalong kabayo ang P150,000, makokopo ng pangalawa ang P90,000 at P60,000 ang sa third placer.

RACING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with