Five-way rumble for four
Two teams ang sigurado na sa semis. Tatlo ang rambol para sa natitirang dalawang slots. At anim ang natitirang laro.
‘Yan ang exciting na homestretch ng UAAP Season 89 men’s basketball elims.
Eto ‘yung tipong bawat dribble, may kasamang dasal. Bawat tira, may kasamang pangarap.
Boracay trip na ang Ateneo (5-8), Adamson (5-8) at University of the East (1-12).
Ang natitirang nasa balag ng alanganin eh, ang mga pangarap ng University of the Philippines (9-3), Na?tional U (9-3), Far Eastern U (7-5), La Salle (7-5) at Santo Tomas (7-6).
Makakaalagwa ang Maroons at Bulldogs kung tatalunin ang Archers at Tamaraws sa resumption ng laro sa Sunday sa Big Dome.
Pero lalong magiging mas exciting ang karera kung La Salle at FEU ang magse-celebrate ng weekend victories.
Mananatili naman sa init ng laban ang UST kung tatalunin ang Adamson sa Wednesday sa MOA Are?a.
At papasok na explosive final playdate sa Nov. 28 sa Smart Araneta Coliseum.
Magsasabong ang UP at NU sa posibleng virtual knockout for No. 1 spot.
Magtatapat sa curtain-raiser ang FEU at La Salle.
La Salle, UP, NU at UST ang bumuo ng Final Four cast last season.
Pero determinado ang Tamaraws ni coach Sean Chambers na makisali sa sahog.
Determinado ang bawat isa na itulak ang semis bid.
Kaya naman nakikita ang epic finish ng karera.
****
- Latest

















