^

PM Sports

Boatwright aasahan ng Gilas sa 5th Window ng Qualifiers

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matikas ang lineup ng Gilas Pilipinas para sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Seremban, Malaysia.

Sabik na si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na makita ang magiging performance ng kaniyang bataan sa qualifiers lalo pa’t kailangan ng tropa na makakuha ng krusyal na panalo.

Bumabandera sa lista­han si naturalized player Bennie Boatwright na ma­tapos ang mahabang paghihintay ay pormal nang masisilayan sa aksiyon kasama ang Gilas Pilipinas.

Pasok din sa lineup para sa fifth window sina Kai Sotto, Quentin Millora-Brown, AJ Edu at Mike Phillips.

Muling magbabalik ang 7-foot-3 na si Sotto na nasilayan sa aksiyon sa fourth window noong Agosto kung saan naitala ng Gilas ang two-game sweep.

Tinalo ng Gilas ang Jor­dan via overtime (82-81), habang nanaig din ang tropa sa Iran (68-56) sa Mall of Asia Arena.

Magbabalik si Sotto sa aksiyon matapos magpahi­nga sa pitong laro nito sa Altira Chiba sa Japan B.League.

Maglalaro rin si Mil­lo­ra-Brown na hindi nasilayan sa aksiyon sa fourth window dahil sa mga nauna nitong commitments.

Unang makakalaban ng Gilas ang Syria sa Nob­yembre 27 kasunod ang Iran sa Nobyembre 29.

Kailangan ng Gilas Pi­lipinas na makalikom ng smga panalo upang mapataas ang puwesto nito sa standings.

Nasa No. 5 spot ang Gilas sa Group E tangan ang 4-4 rekord.

Nangunguna ang Australia na may 8-0 kasunod ang New Zealand (6-2), Iran (5-3), Jordan (5-3) at Syria (2-6).

Ang top three teams sa grupo ang awtomati­kong papasok sa 2027 FI­BA World Cup proper sa Doha, Qatar.

GILAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with