Lendeborg binanderahan ang Warriors
DENVER — Humakot si rookie Yaxel Lendeborg ng 31 points at 12 rebounds para giyahan ang Golden State Warriors sa 134-114 pagbugbog sa Nuggets.
Tinulungan ng bagitong big man mula sa Michigan ang Golden State na makaiwas mahulog sa 0-4 panimula matapos noong 2007-08 season.
Iniskor ni veteran guard Stephen Curry ang 21 sa kanyang 24 points sa second half at may 18 markers si point guard Brandin Podziemski.
Kumolekta si star center Nikola Jokic ng 19 points, 11 assists at pitong rebounds, habang may 21 markers si DeMar DeRozan para sa Denver (1-2).
Kinuha ng Warriors ang 60-56 halftime lead bago kumamada ng 40 points sa third period kasabay ng paglimita sa Nuggets sa 28 markers.
Sa iba pang laro, lusot ang Charlotte Hornets Washington Wizards, 110-103; tinakasan ng Clevelaand Cavaliers ang Minnesota Timberwolves sa overtime, 127-125; tinalo ng Boston Celtics ang Chicago Bulls, 134-99; panalo ang Dallas Mavericks ang Miami Heat, 113-109; sinuwag ng Milwaukee Bucks ang Indiana Pacers, 110-102; at wagi ang Houston Rockets sa Atlanta Hawks, 120-110.
- Latest















