highly improbable
Suntok sa buwan o halos imposible na ang tsansa ng Blackwater na pumasok sa quarterfinals.
Kailangan nilang tambakan ang Barangay Ginebra ng 44 points sa pagsasara ng PBA Governors Cup elims sa Friday para maisalba ang last berth sa post-elims play.
Maipwe-pwersa ng Blackwater ang three-way tie for fourth place sa Group B kung talunin nila ang Ginebra. Ang panalo nila eh magdadala sa Meralco, Ginebra at Blackwater sa pare-parehong 4-6 finish.
Pero dambuhala ang differential points na kailangan habulin.
Sa kasalukuyan, plus 30 ang Gin Kings, plus seven ang Bolts at negative 37 ang Bossing. Sanamagan!
Practically out of the running, pero magandang season exit kung talunin ng Bossing ang Gin Kings.
Grabe ang magiging prayer ng Bolts sa sideline. Kung matalo ang Ginebra by 34 or more, si coach Luigi Trillo at ang kanyang Meralco team pa ang uusad sa playoffs. Highly improbable.
Bastante ang Magnolia (6-3), Rain or Shine (5-3) at Phoenix Super LPG (5-4) sa quarters mula Group B.
Sa Group A, matagal nang naghihintay sa playoffs ang NLEX (9-2), San Miguel Beer (8-3), Converge (8-4) at TNT (7-5).
Nag-i-isang panalo ang nasungkit ng Blackwater sa Philippine Cup, at nag-improve sa dalawa sa Commissioner’s Cup.
Ibig sabihin, laging lampaso. Pero pwedeng mabago ang naratibo – pwede silang um-exit ng nakangiti kung mapa-nerbiyos man lang nila ang Ginebra.
- Latest
















