Fighting Maroons kinalos Red Warriors

MANILA, Philippines — Kinahon ng University of the Philippines ang pangatlong sunod na panalo matapos nilang hiyain ang University of the East 91-81 sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa UST Quadricentennial sa España, Manila kahapon.
Kinapitan ng Fighting Maroons ang mainit na opensa ni James Payosing para irehistro ang 5-2 karta at hawakan ang solo top spot sa team standings.
Tumikada si Payosing ng impresibong double-double na 16 points at 12 rebounds para sa UP na binaon ang UE sa ilalim ng team standings pasan ang 0-7 record.
Nakaiwas ang UP sa posibleng paninilat ng UE matapos maiwanan sa unang dalawang quarters.
Samantala, ginarote ng University of Sto. Tomas ang Ateneo de Manila University, 80-68 upang sakmalin ang pangalawang sunod na panalo at upuan ang solo fourth place sa team standings.
Matapos ang dikitang labanan sa halftime kung saan ay dalawang puntos lang ang abante ng Growling Tigers ay biglang lumiyab ang kanilang opensa kaya hinawakan ng Espana-based squad ang 21- point lead, 63-42 sa pagtapos ng third period.
- Latest





















