^

PM Sports

Elena Bell paborito sa Philracom Rating Based Handicapping

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magtatagisan ang pi­tong matitikas na kaba­yo sa magaganap na Phil­ra­com Rating Based Han­dicapping System na ila­larga bukas sa pista ng Phi­lippine Jockey Club sa Padre Garcia, Batangas.

Nasa listahan ng mga ka­lahok ang Elena Bell na gagabayan ni reigning Phi­lippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez.

Tatakbuhin sa 1,400 me­ter, ang ibang makaka­la­ban ng Elena Bell ay ang Captain Bob, Lookin Cool, Lady’s Secret, Achi Holly, Rodeo Drive at Si­ling Labuyo na sasakyan ni Andreu Villegas.

Posibleng magpakitang gilas ang kalahok na Lookin Cool na rerenda­han ni John Ally­son Pa­bi­­lic at Rodeo Drive na pa­­patungan ni Jomer Es­tor­que sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission.

Nakalaan ang P30,000 added prize para sa winning horse owner, magbubulsa naman ang breeder ng mananalong kabayo ng P4,500, habang may P1,000 at P500.00 ang se­cond at third placers, ayon sa pagkakasunod.

Pakakawalan ang ka­re­ra sa unang race sa alas-5:30 ng hapon kung saan ay simula ng tayaan sa first Pick 6, forecast, daily doubles at ibang klase ng laro.

Samantala, may wa­long races ang inihanda ng pamunuan ng Philippine Racing Club Inc. (PJCI) kaya asahang magsasaya ang mga karerista sa ka­ni­lang paglilibang.

Isa pang aabangan ng mga karerista ay ang bakba­kan ng pitong tiga­sing kabayo sa pangatlong race kung saan ay maas ma­iksi ang distansya, 1,200 meter race lang ang laba­nan.

ELENA BELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with