^

PM Sports

4 teams agawan sa PVL Finals spot

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang finals berth ang paglalabanan ng apat na koponan sa huling araw ng single-round eliminations ng 2026 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference.

Unang sasalang ang Nxled at Farm Fresh nga­yong ala-1:30 ng hapon kasunod ang salpukan ng mga guest teams EST Cola ng Thailand at Ho Chi Minh City ng Vietnam sa alas-4 ng hapon at ang banggaan ng nagdedepensang PLDT at Creamline sa alas-6:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sosyo sa liderato ang Cool Smashers at EST Cola sa magkatulad nilang 3-1 record kasunod ang Chameleons (2-2), High Speed Hitters (2-2) at mga sibak nang Foxies (1-3) at Ho Chi Minh (1-3).

Ang panalo ng Creamline sa PLDT at pagdaig ng EST Cola sa Ho Chi Minh ang magtatakda sa kanilang finals showdown sa Martes sa Big Dome.

Noong Biyernes ay ginulat ng mga Thai spikers ang Cool Smashers, 17-25, 25-21, 25-22, 27-25, para sa kanilang ikatlong sunod na arangkada matapos matalo sa High Speed Hitters sa una nilang laro sa torneo.

Samantala, may tsansa rin ang PLDT at Nxled na makasingit sa finals ticket.

Ito ay kung talunin ng High Speed Hitters ang Cool Smashers sa tatlo o apat na sets at ipanala­nging matalo ang mga Thais at Chameleons sa tatlo o apat na sets.

Kailangan ding manalo ang Nxled sa Farm Fresh sa tatlo o apat na sets kasabay ng pagkatalo ng EST Cola sa Ho Chi Minh o pagyukod ng Creamline sa PLDT.

 

 

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with