^

PM Sports

Gilas vs Korea sa tune-up game

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagong koponan, parehong misyon.

Lumipad na kahapon ang bagong-bihis na Gilas Pilipinas pa-South Korea para sa pinaigting na trai­ning camp bago dumiretso sa Japan para depensahan ang korona sa 2026 Asian Games.

Kakalabanin ng Gilas ang Korean national team sa Setyembre 4 at 6 sa Suwon tsaka lilipad agad pa-Japan kinabukasan para sa pagsisimula ng Asiad men’s basketball sa Set­yembre 10.

Dala ni head coach Tim Cone ang ibang koponan na nakatoka lang sa Asian Games kumpara sa pinaradang team sa katatapos lang na Window 4 ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Mula sa FIBA team, tanging sina RJ Abarrientos ng Barangay Ginebra, Justin Arana at Justine Baltazar lang ng Converge ang kasali sa Asiad team sa trangko nina Robert Bolick ng NLEX, Zavier Lucero ng Magnolia, Sedrick Barefield ng Blackwater at Adrian Nocum ng Rain or Shine.

Swak din dito sina Jerrick Ahanmisi at Don Trollano ng San Miguel, Brandon Bates ng Meralco, at Brandon Ganuelas-Rosser ng Talk ‘N Text habang naka-reserba ang 12th roster spot kay Justin Brownlee kung aabot siya sa training camp mula sa leg at hamstring injuries.

Noong nakaraang linggo pa nagsanay ng hiwalay ang Asian Games team sa mando nina Richard del Rosario, Jong Uichico at Josh Reyes habang itinuon ni Cone kasama sina Sean Chambers at LA Tenorio ang atensyon sa Window 4 ng FIBA na nag-resulta sa panalo kontra sa Jordan, 82-81, at Iran, 68-56.

Si Cone mismo ang nag-implementa ng ideya para bumuo ng 2 koponan dahil sa hindi makakalaro ang karamihan ng nasa FIBA team sa Asian Games team, partikular na ang mga Pinoy imports mula sa Japan at Korea.

Sa katunayan, 1-1 ang kartada ng Asian Games team at FIBA team sa kanilang scrimmages kaya tiwala si Cone sa kalibreng kayang ipamalas ng Gilas sa Asiad kontra sa Bahrain, Kazakhstan at China sa Group C.

 

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with