Parte sa insentibo
Isang national treasure ang may daladalang ekstrang bagahe sa kanyang pagsalang sa laban sa paparating na Aichi-Nagoya Asian Games.
Ang bagaheng ito eh civil case na isinampa sa kanya ng kanyang supposed management team na naghahabol ng porsyento sa kanyang incentives – particular ang grand package na natamo niya pagkatapos ng grand breakthrough sa world stage.
Ayon sa source na nilapitan ng atleta for legal advice, “grand package” din ang gusto ng management team na mas malaki pa kaysa sa maiiwan sa kawawang atleta.
Ayaw mag-release ng detalye ng judge, ganoon din ng abogado na nag-file ng kaso. Malamang eh gumugulong ang negosasyon para sa amicable settlement.
Ang siste, napapirma ng management team sa kontrata ang atleta (bago siya nagpapanalo) kaya’t todo ang habol ng mga ito.
Pero – at malaking pero – hindi ata makatwiran ang nasa kontrata, kung saan tatanggap sila ng pakete na hindi swak sa pinuhunan nila sa bata (kung meron man).
Ang kanilang panlaban eh ang pirma ni atleta sa kontrata. Araguy! Aray! Na mas masakit pa semplang ni atleta sa foam pit.
At nasa likod ng kanyang isipan ang isyung ito habang lalaban sa 2026 Asiad.
No. 1 lesson: Huwag pirma ng pirma sa kung anu- mang kontrata.
Incidentally, ilang beses naibalita ang pagharap sa alleged contractual breach si Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
Apparently, mabilis mapapirma sa conflicting contracts si Pacman.
Maaaring kulang sa pagbusisi, kaya’t nauuwi sa pagharap o patuloy na pagharap sa mga contractual cases.
- Latest






















