^

PM Sports

Mission impossible?

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Humaharap ang Gilas Pilipinas sa matinding double duty.

Una ang first window ng second phase ng FIBA World Cup Asian qualifier. Haharapin ng Team Philippines ang Jordan sa Aug. 28 at Iran sa Aug. 30.

Ikalawa ang title defense sa Asian Games next month sa Nagoya, Japan.

Parehong mabigat na mission na kailangan pagpigaan ng pag-iisip ni coach Tim Cone at pagpunyagian ng mga players.

Galing sa dobleng dapa kontra Australia at New Zealand sa first round ng World Cup qualifier, magsisimula sa kulelat ang Gilas (0-4 carryover record) sa Group E play.

Bandera ang Australia (4-0), sinusundan ng Jordan (3-1), Iran (3-1) at New Zealand (2-2). Kasama ng Gilas ang Syria (0-4) sa ilalim.

Mula sa grupong ito, Top 3 lang ang automatic na lulusot sa World Cup. Ibig sabihin, pawang “must-win” situation na ang hiniharap ng Nationals. Araguy!

Kung matapilok pa rin, malamang na maputol ang streak ng Gilas sa paglalaro sa World Cup na nagsimula sa Seville, Spain noong 2014.

At nariyan din ang Nagoya Asiad kung saan kasama ng Team Philippines ang China, Kazakhstan at Bahrain sa group play.

Nanggagalaiti ang China na makabawi sa masaklap na talo sa harap ng kanilang kababayan sa Hangzhou Asiad, samantalang excited magpa-siklab ang Japan sa kanilang home floor.

Mabigat ang double mission, problema pa ang availability ng maraming players. Aray!

Syempre, unang hahanapin ng mga Pinoy si Kai Sotto. Walang kasiguruhan dahil may personal goal na hinahabol ang 7-foot-3 player.

Minsan lang magkaroon ng ganyang size na player ang bansa, hindi pa mapakinabangan maglaro para sa national team.

Nakakalungkot!

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with