Nxled, Galeries unahan sa Win No. 2
MANILA, Philippines — Ang ikalawang sunod na panalo ang target ng Nxled at Galeries Tower sa pagpapatuloy ng 2026 Premier Volleyball League (PVL) On Tour sa Polomolok, South Cotabato.
Maghaharap ang Chameleons at Highrisers ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang salpukan ng Akari Chargers at Choco Mucho Flying Titans sa alas-6:30 ng gabi sa Polomolok Gymnasium.
Solo ng ZUS Coffee ang liderato bitbit ang 2-0 record kasunod ang nagdedepensang PLDT (1-0), Creamline (1-0), Galeries Tower (1-0), Nxled (1-1), Farm Fresh (0-1), Akari (0-1), Capital1 Solar Energy (0-1) at Choco Mucho (0-2).
Nagmula ang Chameleons sa 25-17, 25-23, 25-18 pagwalis sa Solar Spikers tampok ang 17 points ni Myla Pablo noong Hulyo 25 sa Vigan City, Ilocos Sur.
Nauna nang natalo ang tropa ni Guidetti sa Cool Smashers, 18-25, 23-25, 25-16, 19-25, noong Hulyo 8 sa Ilagan City, Isabela.
Ang back-to-back wins din ang target ng Highrisers matapos talunin ang Foxies, 25-17, 24-26, 25-19, 26-24, noong Hulyo 11 sa Batangas City.
Bukod kina Pablo at Cayuna, muli ring sasandalan ng Nxled sina Fil-Am MJ Phillips, Jonah Sabete-Escamillan at EJ Laure-Cariño, habang hindi lalaro sa torneo si three-time PVL MVP Brooke Van Sickle sa kanyang pagrekober sa right shoulder injury.
Aasahan ng Galeries Tower sina Erika Deloria, Aiza Pontillas, Jean Asis at Roselle Baliton at 2026 PVL Draft No. 1 overall pick Lams Lamina.
Samantala, iniwan ni middle blocker Thea Gagate ang ZUS Coffee matapos pumirma sa Denso Airybees para sa Japan SV.League 2026-27 season.
- Latest


















