TNT at NLEX
Hindi nakausad ng malayo ang TNT dynasty.
Kagyat na na-miss nila ang Grand Slam last season. At sumunod ang paghaba ng streak ng downfalls sa PBA finals – talo sa San Miguel Beer sa Season 49 at Season 50 Philippine Cup at sa Barangay Ginebra sa kalilipas na Commissioner’s Cup.
Ang katanungan ngayon eh kung saan sila pupulutin, habang lumalaro sa season-ending Governors Cup na gutay-gutay ang lineup sa absence nina Calvin Oftana, Jayson Castro, Brandon Ganuelas-Rosser at Kelly Williams.
Hindi maganda ang kanilang conference start – bahagyang nakalusot sa Macau, 106-103, at sumunod ang back-to-back losses sa Titan Ultra, 87-103, at Terrafirma, 106-111.
May laban pa sana kung pangungunahan ni import Darius Days ang pagbuhat sa TNT. Pero hindi makita ni coach Chot Reyes ang kanyang inaasahan mula kay Days.
Kaya’t maagang nabaon sa Group A standings ang TNT, struggling sa likod ng NLEX (4-0), San Miguel Beer (3-1), Converge (3-1) at Terrafirma (2-3).
Desperado silang manalo sa pakikiharap sa Converge ngayong gabi sa Ninoy Aquino Stadium.
Kung hindi mailulusot ang gula-gulanit na roster, mukhang si coach Jimmy Alapag at ang NLEX Road Warriors ang magbibitbit ng bandera ng MVP Group of Companies sa conference.
Maganda ang tinatakbo ng Road Warriors kasama si import DaQuan Jones. Tumitimon din sina Schonny Winston, Robert Bolick at Kevin Alas.
Happy ang Road Warriors sa kanilang simula sa ilalim ni Alapag.
Malungkot naman ang Tropang 5G – masakit ang kasu-kasuan dahil sa injuries na tumama kina Oftana, Castro, Rosser at Williams.
Hay Buhay!!!
- Latest

















