Filipinas sa World Cup
Kasama ang Pinoy fans sa napupuyat sa pagsunod sa 2026 World Cup magtatapos sa title duel sa pagitan ng titleholder Argentina at challenger Spain.
Sabi ni Pareng Kandong Pabaya: Labanan ng dalawang delata, at sumunod ang kanyang pagpapakita ng Argentina Corned Beef at 555 Spanish Sardines. Hehehe!
Pero talagang matamang nakatutok ang mga Filipino sa World Cup. At mukhang marami ang panig kay Lionel Messi.
Next year, mas magliliyab ang pagsunod ng Pinoy sa football dahil muling kasahog ang Team Philippines sa 2027 FIFA Women’s World Cup sa Brazil.
Kasama ang Pinas sa 14 teams na qualified na sa 32-nation meet. Ito ang ikalawang beses na qualification ng Filipinas sa Women’s World Cup kasunod ng kanilang WC debut sa 2023 meet co-hosted by Australia at New Zealand.
Masarap balik-balikan ang initial appearance ng Filipinas highlighted ng kanilang 1-0 ambush ng host team New Zealand, 1-0, sa harap ng kanilang maingay na fans sa Wellington Stadium.
Walang dudang iyon ang pinakamalaking milestone sa Philippine football.
Nagbigay ito ng tsansa sa Filipinas na makarating sa World Cup knockout round. Ang siste, bugbog tayo sa sumunod na laro kontra Norway, 6-0.
Maghahabol ang Filipinas ng further football breakthrough sa 2027 Brazil WC.
Sana makakuha ng konting suwerte sa draw at mapunta sa magaan-gaan na grouping, although wala naman magaan na koponan sa World Cup.
Whatever, siguradong tutok ang nasyon sa kampanya ng koponan ni coach Mark Torcaso.
- Latest


















