^

PM Sports

Eman at Faith

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Special Father’s Day gift sa Pambansang Kamao ang habol ni Eman Bacosa nang pumanhik siya sa ring Sunday night.

Pero hindi nangyari ang kanyang pakay. Tatlong beses siyang bumagsak, at nalasap ang majority decision loss sa kamay ni Rodelyn Perez sa kanilang laban sa DRT Sports Complex sa Muntinlupa City.

Kung namana niya ang grit, courage at determination ng kanyang ama, babangon siya sa pagkatalo at patuloy hahabulin ang kanyang boxing golden dream.

Lumasap din ng talo si Manny Pacquiao sa unang bugso ng kanyang fight career at kahit na sa kasagsagan ng kanyang tagumpay. Pero tumatayo, bumabalik at bumabawi.

Hindi kailangan ni Eman tumingin sa malayo para sa inspirasyon.

Matapos mapatid ang kanyang eight-fight winning streak, tangan ni Eman ngayon ang 8-2-1 (win-loss-draw) record.

Nakahulagpos ang mithiin maging Philippine Boxing Federation lightweight champion. Pero batang-bata pa naman siya sa edad na 22.

Bangon Eman!

***

Sa kanyang sariling pagpupursigi kasahog ang sipag sa driving range at sa fairways women’s champion si Chrystal Faith de Dios sa VGC (Veterans Golf Club) 2025 Club Championship.

Struggle siya sa two-day stroke play elims pero lumabas ang kisig at galing sa match play, at isa-isang tinalo sina Evangeline Bradly, Lea Madriaga at Shirelyn Fortuna.

Biggest highlight ng kanyang title run ang long-putt eagle sa par-5 15th hole para tapusin ang title defense ni Madriaga sa semifinals.

Kampai! Cheers! Faith!

FATHER’S DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with