Guiao vs Chua
Hindi lang pala hype ang pagtawag sa PBA Season 50 Commissioner’s Cup Final Four na “Mayhem in May.”
Pagkatapos ng Game 4, tabla ang magkabilang serye – Rain or Shine versus Barangay Ginebra at TNT kontra Meralco.
Walang lamang. Walang hingahan. Dalawang best-of-three na lang para malaman kung sino ang maglalaban para sa korona.
Kalimutan na ang X’s and O’s. Ang Game 5 ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum ay patibayan ng loob. At dahil pare-parehong buo ang loob at ayaw isuko ang laban, malamang na mauwi sa deciding Game 7.
Mas pinag-uusapan ang ROS-Ginebra series, dahil sa bangayan nina ROS coach Yeng Guiao at Ginebra governor Alfrancis Chua sa pagtatapos ng Game 4.
Ang punto ni coach Yeng, hindi dapat kinokompronta ng PBA governors ang referees dahil pwede nilang ma-intimidate ang mga ito at mabago ang tawagan.
Ang sagot ni Chua: “Mag-coach na lang siya. Huwag niyang pakialaman ang team namin.”
Kasahog tuloy sa diskusyon ng marami ang katanungan kung dapat nga bang nasa bench ang PBA governors – na policy-makers ng liga.
Walang written rules ang PBA kaya’t discretion ng mga governors kung saan nila gustong umupo.
Si PBA chairman Ricky Vargas usually umuupo many rows away sa kanilang bench. Pero karamihan sa ibang governors ay nasa bench at madalas nakikitang kinokompronta ang mga referees.
Pwede ba silang tawagan ng technical foul? Pwede ba silang ma-assess ng penalty for misdemeanor? Intimidating ba sila sa referees? Nakaka-sway ba sila sa tawagan?
Eto ang mga katanungan na lumutang sa bangayang Chua vs Guiao.
- Latest




















