^

PM Sports

Turning point

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Umeskapo ang TNT, 77-75, noong Game 3 ng kanilang semis series versus Meralco wagi na walang import.

At kung dederetso ng arangkada tungo sa successful title defense, maaaring ang kanilang Sunday win sa MOA Arena ang pinaka-malaking turning point.

Out na si injury-hit Bol Bol at helpless na nanood sa likod ng bench ang bagong dating na si Eric McCullough noong binunot ng Tropang 5G ang crucial win.

At dahil sa panalong iyon, lamang sila sa serye, 2-1, at ganadong bumalik sa court upang habulin ang finals ticket kontra sa mananalo sa Ginebra-Rain or Shine series.

Sa pagpasok sa Game 4, kasama pa ngayon ng koponan ni coach Chot Reyes si McCullough, dating champion import ng San Miguel Beer na nangangati ang kamay na muling sumungkit ng PBA championship.

Bawas ang size ng TNT sa pagkawala ni Bol. Pero kasahog naman ngayon ang winning pedigree ni McCullough.

Taong 2019 niya pinangunahan ang SMBeermen sa Commissioner’s Cup championship.

Sasalang siya sa laban para sa TNT fresh sa kanyang katatapos na stint sa Taoyuan Taiwan Beer Leopards. At nasa peak pa rin siya ng kanyang playing career sa edad lang na 31.

Walang maaalalang kabulastugan sa kanyang playing stint sa San Miguel. Kaya’t inaasahan din ang swabe niyang pasok sa Tropang 5G.

Two wins lang ang kanyang kailangan ibigay sa TNT upang muling makabalik sa PBA Finals.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with