Everest, Bermuda Triangle kakasa sa Triple Crown
MANILA, Philippines — Naghayag ng pagsali ang magka-kuwadrang Everest at Bermuda Triangle sa magaganap na 2026 PHILRACOM - PCSO “1st Leg Triple Crown stakes race na ilalarga sa pista ng Philippine Jockey Club sa Padre Garcia, Batangas sa Mayo 24.
Sasakyan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee John Alvin Guce ang Everest habang si PJA Guce ang nakatoka sa Bermuda Triangle, makakalaban nila ang lima pang batang kabayong nagsabi ng paglahok.
Nakalaan ang guaranteed prize na P3.5M na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kalahok ay ang Diamante, Fairfield, Isa Bell, Pleasure Effect at Road to Triple Crown winner Black Eagle.
May distansyang 1,650 meter race, kukubrahin ng mananalong kabayo ang P2.1M, mapupunta sa pangalawa ang P787,500 habang P437,500 at P175,000 ang third at fourth placers, ayon sa pagkakasunod.
Posibleng magpakitang gilas ang kalahok na Black Eagle na gagabayan ni Conrad Henson sa karerang inisponsoran ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Susungkitin din ang breeder ng mananalong kabayo ng P175,000 habang P105,000 at P70,000 ang second at third, ayon sa pagkakasunod sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.
- Latest


















