Black Eagle sasabak sa 1st Leg Triple Crown
MANILA, Philippines — Pitong tigasing batang kabayo ang naghayag ng pagsali sa 2026 PHILRACOM “1st Leg Triple Crown Stakes Race” na ilalarga sa pista ng Philippine Jockey Club sa Padre Garcia, Batangas sa Mayo 24.
Kasama sa nagpalista ang Road to Triple Crown winner Black Eagle na gagabayan ni Conrad P. Henson, may distansya itong 1,650 meter race.
Nakalaan ang P3.5M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta,
Ang ibang nagsabi ng paglahok ay ang Bermuda Triangle, Diamante, Everest, Fairfield, Isa Bell at Pleasure Effect.
Base sa komento ng mga karerista posibleng maging outstanding favorite ang Black Eagle dahil nanalo ito ng halos pitong kabayo sa pumangalawang Diamante.
Ayon naman sa mga dehadista, naniniwala silang makakasilat ang Diamante na sasakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema.
Magbubulsa ng P2.1M ang mananalong kabayo, iuuwi ng pangalawa ang P787,500 habang P437,500 at P175,000 ang third at fourth placers, ayon sa pagkakasunod.
Kukubrahin naman ng breeder ng mananalong kabayo ang P175,000 habang P105,000 at P70,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).
Samantala, dumating na tersero ang Yatch Bell at pang-apat ang Rapido pero hindi sila kasali ngayon sa first leg.
- Latest






















