Cavs nakadikit sa Pistons

CLEVELAND — Bumanat si Donovan Mitchell ng 35 points para banderahan ang Cavaliers sa 116-109 pagbawi sa Detroit Pistons at idikit sa 1-2 ang kanilang Eastern Conference semifinals series.
Nagdagdag si James Harden ng 19 points para sa pag-iwas ng Cleveland na mahulog sa 0-3 butas sa serye habang may 8 at 13 markers sina Jarrett Allen at Evan Mobley, ayon sa pagkakasunod.
Binanderahan ni Cade Cunningham ang Detroit sa kanyang triple-double na 27 points, 10 rebounds at 10 assists.
Nag-ambag si Tobias Harris ng 21 points at nagsalpak si Duncan Robinson ng 15 points tampok ang apat na three-pointers para sa Pistons na nakabangon mula sa 40-50 pagkakaiwan sa second period para agawin ang 76-74 abante sa third quarter.
Isang 9-0 atake sa pamumuno ni Donovan ang ginawa ng Cavaliers para muling mabawi ang bentahe patungo sa kanilang panalo.
Sa Los Angeles, kumamada si Shai Gilgeous-Alexander ng 23 points sa 131-108 demolisyon ng Oklahoma City Thunder sa Lakers at itayo ang 3-0 lead sa kanilang Western Conference semis showdown.
Maaari nang walisin ng Oklahoma City ang Los Angeles sa Game 4 bukas.
- Latest

















