^

PM Sports

Eala vs Rybakina sa Italian Open 3rd round

Pang-masa
Eala vs Rybakina sa Italian Open 3rd round
Alex Eala
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Mapapalaban si Alex Eala sa third round ng Italian Open na ginaganap sa Rome, Italy.

Haharapin ni Eala si reigning Australian Open champion at world No. 2 Elena Rybakina ng Kazakhstan ngayong araw sa alas-5 ng hapon (oras sa Maynila).

Umabante si Eala sa third round matapos ilampaso si 31st seed Wang Xinyu ng China, 6-4, 6-3, sa second round ng naturang WTA 1000 event.

Sa kabilang banda, nirapido ni Rybakina si Maria Sakkari ng Greece sa bendisyon ng 6-4, 6-1 demolisyon upang maisaayos ang pakikipagtuos kay Eala.

Ito ang unang pagkakataon na makakasagupa ni Eala si Rybakina ngunit hindi ito nasisindak dahil sanay na ang Pinay netter na humarap sa mga bigating players.

Matatandaang napataob na ni Eala ang mga Grand Slam champions gaya nina Iga Swiatek ng Poland, Madison Keys ng Amerika at Jelena Ostapenko ng Latvia.

Pinakahuling panalo nito sa isang Top 10 player at Grand Slam winner ay laban kay Coco Gauff sa Round of 32 ng Indian Wells noong Marso sa California.

Tinalo rin ni Eala sa Dubai Tennis Cham­pionships noong Pebrero si world No. 8 Jasmine Paolini ng Italy sa iskor na  6-1, 7-6 (5).

Umaasa si Eala na ma­susundan nito ang magandang performance sa Italian Open matapos ang sunud-sunod na maagang pagkakasibak sa mga naunang clay tournaments kabilang na ang Linz Open, Stuttgart Open at Madrid Open. 

EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with