^

PM Sports

Nagbabagang homestretch

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Tapos ang karera para sa quarterfinals. Pero hindi pa natatapos ang pwestuhan sa Top 8.

Ang tanging selyado eh ang No. 1 spot para sa NLEX (10-2). Ang second to eighth ay patuloy na pag­lalabanan – o tuloy ang rambulan for playoff seedings.

Nakahawak na sa twice-to-beat shield ang Barangay Ginebra (8-3) at Rain or Shine (8-3) pero tuloy ang kanilang laban for No. 2 at No. 3.

Kasalukuyang No. 4 ang Meralco (7-3). Pero kung hindi na mananalo, pwede pa silang abutin ng kahit sino sa Magnolia (6-5), Phoenix (6-5), TNT (6-5) at San Miguel Beer (6-5).

Ibig sabihin mainit pa rin ang salpukan sa mga natitirang laro – last three double-headers ngayong gabi sa Ninoy Aquino Stadium, bukas sa Ynares Antipolo at sa Sunday sa MOA Arena.

Mababawasan ang complications kung talunin ng Meralco ang Terrafirma sa kanilang 5:15 p.m. match ngayong gabi.

Isang panalo at sigurado na rin ang Bolts ng twice-to-beat bonus.

Pero mananatiling rambol ang Phoenix, Magnolia, TNT at San Miguel Beer for No. 5 to No. 8. At malamang na tutok sa panonood ang Top 4 teams.

Syempre dangerous para sa lahat ang playoff matchup kontra Philippine Cup champion San Miguel.

Nakakatakot din kalaban ang TNT with 7-3 import Bol Bol. Mahirap kalaban ang TNT dahil pwedeng sa playoffs nila makuha ang magandang rhythm at form.

Ang ibig sabihin: Maganda ang twice-to-beat advantage, pero hindi sure ball na mararating mo ang semifinals.

NLEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with