Drama at matematika
Final week ng PBA Season 50 Commissioner’s Cup elims, at walang pwedeng kumurap sa mga natitirang playoff contenders.
Matindi ang drama. At mainit ang kwentahan ng matematika.
Kasi, apat pa lang ang nakasungkit na ng playoff berth. At isa pa lang ang sigurado ng twice-to-beat bonus sa quarterfinals.
Lima ang naglalaban sa last four tickets sa quarters. At dikit-dikit sila sa team standings – Phoenix at TNT sa 6-4, Magnolia at San Miguel Beer at 5-5 at Terrafirma sa 4-6.
Mainit din ang pwestuhan sa Top Four na pinangungunahan ng NLEX (9-2), sinusundan ng Barangay Ginebra (8-3) at Rain or Shine (8-3). Nakatutok din ang Meralco (7-3).
Kasalukuyang na sa labas ng Magic Eight, pero guguluhin ng Terrafirma ang karera kung maipapanalo ang huling dalawang assignments kontra San Miguel Beer at Meralco.
Mauuwi naman sa pwestuhan ang lahat ng natitirang laro kung tatalunin ng Beermen ang Dyip sa kanilang laro bukas sa Ninoy Aquino Stadium.
Walang aamin, pero siguradong walang koponan na gugustuhin na makatapat ang San Miguel Beer sa quarterfinals – kahit na may tangan pa silang twice-to-beat advantage.
Kung ngayon na ang quarters, ang matchups: NLEX versus San Miguel, Ginebra kontra Magnolia, ROS opposite TNT at Meralco against Phoenix.
Pero halos lahat ay may natitira pang dalawang laro. Last two games para itulak ang kanilang drive, patatagin ang katayuan, at palakasin ang momentum tungo sa quarters.
Muli, marubdob ang drama, mainit ang aksyon at i-ready ang calculator sa pagkwenta ng quotients for tiebreaks.
- Latest


















