UST reyna ng SGVIL
MANILA, Philippines — Ipinakita ni Kim Rubin ang tibay ng dibdib at determinasyon upang akbayan ang University of Santo Tomas sa panalo kontra Bacolod Tay Tung School, 16-25, 26-24, 19-25, 28-26, 15-10, sa winner-take-all
final at angkinin ang 4th Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (SGVIL) Rising Stars Cup Division 1 noong Biyernes ng gabi sa La Salle Green Hills Gym.
Nahirang na Most Valuable Player, (MVP), nakatuwang ni Rubin si winger Nicole Pelaez upang walisin ng Junior Golden Tigresses ang pitong laro sa kompetisyon suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, at R and B Milk Tea.
Bahagyang napalaban ang UST sa Bacolod Tay Tung sa fifth set, table ang iskor sa 5-5 subalit nagpakawala ang una ng 8-0 run upang hawakan ang six-point lead, 13-7 sapat upang itakas ang titulo.
Sinikap ni Rhose Almedralejo na pigilan ang kamalasan ng Thunderbolts pero hindi nakayanan ang tikas ng Junior Tigresses.
Namuno sa opensa para sa UST si Pelaez na may 24 ponits mula sa 20 kills at 4 kill blocks habang umiskor si Rubin ng 23 sa event na katuwang ang Smart Sports, PusoP.com, Solar Sports Free TV, Mikasa, Asics, Eurotel, Team Rebel Sports, at Rigour Technology bilang technical partners.
“It’s not luck, we are very blessed, Ginawa lang namin ang dapat naming gawin,” sabi ni graduating Rubin.
Nagdagdag sina Nicole Mendoza at Eliz Menchavez ng tig-10 markers para sa Espana-based squad sa tournament na mapapanood sa live and on-demand via PusoP.com livestream and Solar Sports.
- Latest



















