Castillo naka-silver sa windsurfing event ng ABG
MANILA, Philippines — Isa pang pilak na medalya ang nadagdag sa kaban ng Pilipinas mula kay Dhenver John Castillo sa boys’ foil windsurfing event sa 6th Asian Beach Games na ginaganap sa Sanya Bay Haihong Square sa Sanya, China.
Nagrehistro si Castillo, gold medal winner sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand, ng 39 Net points na parehong puntos ni Thai Wachirawit Thonup matapos ang 13-heat.
Ngunit nagkasya si Castillo sa pilak matapos pumangalawa sa huling race.
Hindi na itinuloy ang 14th race dahil sa masamang weather conditions.
Aminado si Castillo na mas matindi ang bakbakan sa Asian Beach Games kumpara sa Southeast Asian Games.
Nanguna si Wang Yi?uo ng host China matapos magtala ng 12 Net points.
Nasa No. 3 spot ang Team Philippines sa medal tally tangan ang tatlong ginto, tatlong pilak at dalawang tansong medalya.
Nangunguna ang host China na may 15 gold, 11 silver at limang bronze kasunod sa ikalawa ang Thailand na may 7-5-4.
Galing ang tatlong ginto ng Pilipinas kina jiu-jitsu bets Annie Ramirez at Alexandria Luz Enriquez at high jump standout Leonard Grospe.
- Latest

















