Royal rumble
Sunud sunod natalisod ang Rain or Shine, San Miguel Beer at TNT Tropang 5G.
Natapos ang perfect run ng ROS sa talo sa Phoenix Super LPG (83-87), dapa ang SMB sa Blackwater (120-126) at tupi si Bol Bol at Tropang 5G sa Converge (92-97).
Dahil dito, mas gumanda ang rumble hindi lang para sa Top Four; ganoon din ang para sa Top Eight.
Nabuhayan din ng konting pag-asa ang Macau Black Knights matapos mahinto ang kanilang winless run sa pamamagitan ng 119-107 win kontra Titan Ultra.
Kaya’t papasok sa homestretch ng PBA Season 50 Commissioner’s Cup elims, buhay pa ang lahat at determinadong umarangkada upang masama sa playoff picture.
Pero syempre, lamang sa karera para sa Top Four at twice-to-beat bonus ang Elasto Painters (7-1), kasunod ang NLEX Road Warriors (6-2), Meralco Bolts (5-2) at Barangay Ginebra Kings (5-2).
Kasalukuyang next four ang Phoenix (5-3), TNT (5-3), Magnolia (4-4) at San Miguel Beer (4-5). Pero nakatutok sa likod ang Terrafirma (3-5) at Converge (3-6).
Malamang ang kasalukuyang Top Six ang mananatiling laban-laban para sa Top Four.
Ang masalimuot eh kung sino ang papasok sa Top Four pero makakatapat ang San Miguel Beer sa quarterfinals. Araguy!
Mabigat ang hinaharap na paghahabol nina June Mar Fajardo at SMB teammates.
Ganon pa man, sila pa rin ang pinakanakakatakot na kalaban pagdating sa playoffs. Ikonsidera pa na lalong gumanda ang SMB brew sa pagbabalik ni Bennie Boatwright.
- Latest



















