^

PM Sports

SGA ibinangon ang Thunder

Pang-masa

OKLAHOMA CITY — Kumamada si Shai Gilgeous-Alexander ng 25 points at gumamit ang Thunder ng isang 22-0 atake sa second half para sa 131-113 panalo sa Chicago Bulls.

Inilista ni Gilgeous-Alexander ang kanyang ika-134 sunod na laro na umiskor siya ng higit sa 20 points para sa pagbangon ng Oklahoma City (58-16) mula sa naunang kabiguan sa Boston Celtics na pu­migil sa kanilang 12-game winning streak.

Nagdagdag si Cason Wallace ng 21 points para sa defending champion na hindi nagamit si All-Star forward Chet Holmgren na may bruised right hip.

Tumipa si forward Jalen Williams ng 18 points, 8 assists at 6 rebounds.

Pinamunuan ni Collin Sexton ang Chicago (29-44) sa kanyang 22 points at may 21 at 20 markers sina Tre Jones at Isaac Okoro, ayon sa pagkakasunod.

Kumamada si Sexton ng 16 points sa first half para tulungan ang Bulls sa pagsuwag sa 67-62 abante.

Nakadikit ang Thunder at tuluyan nang naagaw ang 89-88 bentahe sa third period mula sa three-pointer ni Jaylin Williams.

Isinara ng OKC ang nasabing yugto sa isang 15-0 bomba para iwanan ang Chicago sa 95-88.

Sa iba pang laro, lusot ang Los Angeles Clippers sa Indiana Pacers, 114-113; tinalo ng Boston Celtics ang Atlanta Hawks, 109-102; panalo ang Houston Rockets sa Memphis Grizzlies, 119-109; at binugbog ng Cleveland Cavaliers ang Miami Heat, 149-128.

BULL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with