Durant napasama sa NBA history

HOUSTON — Umiskor si Kevin Durant ng 27 points para ungusan si Michael Jordan sa fifth place sa NBA career scoring list habang isinalpak ni Amen Thompson ang isang tip-in sa pagtunog ng buzzer sa 123-122 pagtakas ng Rockets sa Miami Heat.
Nagtala si Durant ng 32,294 points sa kanyang career para lampasan ang 32,292 ni Jordan.
Tumalbog ang jump shot ni Durant sa ring kasunod ang tip-in ni Thompson para sa pag-eskapo ng Houston (43-27).
Humabol ang Miami (38-33) mula sa isang eight-point deficit para makadikit sa 118-119 sa huling 46.3 segundo ng fourth quarter tampok ang three-point shot ni Simon Fontecchio.
Ang basket ni guard Reed Sheppard ang naglayo sa Rockets sa 121-118 sa natitirang 12.7 segundo, habang ang dalawang free throws ni Bam Adebayo at layup ni Fontecchio ang naglagay sa Heat sa 122-121 bentahe sa huling 5.4 segundo.
Tumapos si Adebayo na may 32 points at career high 21 rebounds para sa Miami na nahulog sa isang four-game losing skid.
Nauna nang inilista ng Houston ang 117-109 kalamangan tampok ang magkasunod na triples ni Durant para ungusan si Jordan sa NBA list.
Sa Phoenix, nagposte si Ryan Rollins ng 26 points at 10 rebounds, habang may 20 markers si Kyle Kuzma sa 108-105 paglusot ng Milwaukee Bucks (29-41) sa Suns (39-32).
Sa iba pang laro, panalo ang Oklahoma City Thunder sa Washington Wizards, 132-111; lusot ang Los Angeles Lakers sa Orlando Magic, 105-104; wagi ang Charlotte Hornets sa Memphis Grizzlies, 124-101; at tagumpay ang San Antonio Spurs sa Indiana Pacers, 134-119.
- Latest

















