^

PM Sports

Pagbulusok pipigilin ng Choco Mucho

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos humataw ng dalawang sunod na panalo ay nalaglag ang Choco Mucho sa dalawang dikit na kamalasan na nagpalabo sa kanilang tsansa sa Qualifying Round ng 2026 Premier Volleyball League All-Filipino Conference.

Pipilitin ng Flying Titans na wakasan ang pagbulusok sa pagsagupa sa kulelat na ZUS Coffee Thunderbelles ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang bakbakan ng PLDT High Speed Hitters at N­xled Chameleons sa alas-4 ng hapon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Solo ng PLDT ang liderato tangan ang 7-1 baraha sa itaas ng sister team Cignal (6-2), Akari (5-3), Creamline (5-3), Farm Fresh (4-4), Nxled (4-4), Choco Mucho (3-5), Capital1 Solar Energy (3-5), Galeries Tower (2-6) at ZUS Coffee (1-7).

Naibulsa na ng High Speed Hitters at Super Spikers ang unang dalawang Quarterfinal Round ticket para sa pag-asang makapasok sa semifinals.

Magkasunod na pina­da­pa ng Flying Titans ang Highrisers at Chameleons bago tumukod sa Fo­xies at High Speed Hitters bagama’t nakabalik na sa aksyon si Eya Laure.

Bukod kay Laure, a­asahan din ng Choco Mucho sina Sisi Rondina, Kat Tolentino, Dindin Manabat, Maddie Madayag, Des Cheng, Caitlin Viray at Deanna Wong.

Itatapat ng ZUS Coffee sina Jovelyn Gonzaga, Thea Gagate, Chai Troncoso, Chinnie Arroyo,  Renee Peñafiel, Riza Nogales at Cloanne Mondoñedo.

Samantala, target ng PLDT ang No. 1 spot sa Qualifying Round sa pagharap sa Nxled na winakasan ang four-game lo­sing slump sa pamamagitan ng 20-25, 25-15, 25-23, 25-19 paggiba sa ZUS Coffee.

Sa Qualifying Round, lalabanan ng No. 1 team ang No. 4, habang sasagupain ng No. 2 ang No. 3 kung saan nakataya ang dalawang semifinal seats.

Ang dalawang mata­talo ang lalaban sa magwawagi sa Play-In stage na binubuo ng No. 5, 6, 7, 8, 9 at 10 teams para sa huling dalawang semis seats. 

CHOCO MUCHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with