Carlos at Eldrew
Nakikita ni Carlos Yulo malaki ang potential ng nakababatang kapatid na si Karl Eldrew, base sa kung ano ang kanilang na-achieve sa parehong edad.
At 18 years old, nag-gold na si Karl Eldrew sa FIG Artistic Gymnastics World Cup Circuit, kasunod ang two-bronze blitzkrieg sa World Juniors Championships noong nakaraang taon sa Manila.
Malamang na regular na siya sa World Cup legs, at ito ang kanyang buildup para sa 20th Asian Games sa Nagoya, Japan sa September at ang 54th World Championships sa Rotterdam sa October.
Iyan ang immediate focus ng Gymnastics Association of the Philippines para kay Karl Eldrew.
Ang mas malaking proseso: palakasin at patibayan ang batang Yulo sa senior program at sa pagdaan sa maraming international meets sa pamamatnubay ni coach Munehiro Kugimiya.
Ito ang parehong pipeline na pinagdaanan ng kanyang big brother.
Ang big goal: isalang si Karl Eldrew kasama si Carlos sa paghugot ng qualifying points sa parating na Olympic qualifying cycle.
Ultimately, ang hangarin eh lilipad si Carlos at Karl Eldrew tungo sa golden glory sa 2028 Los Angeles Olympics.
Kumpiyansa si GAP president Cynthia Carrion malalagpasan nila ang two-gold harvest ni Carlos noong 2024 Paris Games.
- Latest























