Banchero ‘di napigilan ng Wizards

ORLANDO, Fla. — Dinuplika ni forward Paolo Banchero ang kanyang season high na 37 points habang nagdagdag si Desmond Bane ng 25 markers sa 126-109 demolisyon ng Magic sa Washington Wizards.
Tumipa si Banchero ng 15-of-21 field goal shooting para tulungan ang Orlando (32-28) na pigilan ang two-game losing skid at manatili sa No. 7 spot sa Eastern Conference.
Nag-ambag si Jett Howard ng 12 points at may tig-10 markers sina Jalen Suggs, Jevon Carter at Moritz Wagner.
Hindi naglaro sina injured regulars Anthony Black (quad), Wendell Carter Jr. (ankle) at Franz Wagner (ankle).
Pinamunuan ni rookie Will Riley ang Washington (16-45) sa kanyang 19 points kasunod ang 18 markers ni Jaden Hardy.
Lumamang ang Wizards sa second quarter at nakadikit sa third period bago lumayo ang Magic sa 66-56.
Tuluyan nang nakawala ang Orlando sa fourth quarter sa pangunguna nina Banchero at Bane nang magposte ng isang 25-point lead sa fourth quarter na nagbagsak sa Washington sa ikaanim na sunod na kabiguan.
Sa iba pang laro, giniba ng Oklahoma City Thunder ang Chicago Bulls, 116-108; panalo ang Cleveland Cavaliers sa Detroit Pistons, 113-109; sinunog ng Miami Heat ang Brooklyn Nets, 124-98; at wagi ang New York Knicks sa Toronto Raptors, 111-95.
- Latest




















