^

PM Sports

Baltazar hinugot ni Cone para sa Qualifiers

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Wala muna sina Kai Sotto at Quentin Millora-Brown subalit nakakuha si coach Tim Cone ng pamalit ding higante sa katauhan ni Justine Baltazar ng Converge para sa krusyal na second window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sa unang pagkakataon ay dumalo sa Baltazar sa pag-arangkada ng Gilas training kamakalawa sa Upper Deck gym upang samahan ang kanyang FiberXers teammate na si Juan Gomez de Lia?.

Sakto ang pagdating ng 6-foot-9 na si Baltazar para sa pilay-pilay na mga manok ni Cone matapos magbeg-off sina 7-foot-3 Sotto at 6-foot-10 Millora-Brown.

Kagagaling lang ni Sotto mula sa kanyang ACL injury kaya marahil ay ayaw munang isugal agad ang matinding kampanya sa Gilas bagama’t naglalaro na siya ulit para Koshigaya Alphas sa Japan B. League.

Ayon kay Cone, walang sinabing dahilan si Millora-Brown na sumasalang din sa Chiba Jets sa Japan sa hin?i paglalaro ngayong window matapos sumalang sa national team debut noong Window 1 kontra sa Guam.

Bukod sa twin towers, wala na rin sa Gilas ang 6-foot-9 na si Japeth Aguilar matapos itong mag-retiro sa national team duties.

Maiiwan ngayon ang responsibilidad na trangkuhan ang Gilas kina Baltazar, June Mar Fajardo at AJ Edu.

Inaasahang dumating na ngayong linggo si Edu ka?ama si Dwight Ramos na sa Japan din naglalaro pati na sina Carl Tamayo at Kevin Quiambao na nagsisilbi namang imports sa Korean Basketball League.

Sa ngayon ay ang mga PBA players pa lang na sina Baltazar, De Lia?, Fajardo, CJ Perez, Chris Newsome, Calvin Oftana, Scottie Thompson, RJ Abarrientos, Troy Rosario at naturalized player Justin Brownlee ang nagsasanay sa Upper Deck.

Lilipat ang Gilas para sa close-door training camp sa Inspire Sports Acade?y sa Laguna kapag nakumpleto na ang koponan.

JUSTINE BALTAZAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with